Nagsimula na ang DSWD Field Office VIII ang pamamahagi ng family food packs para sa naiulat na 1,001 pamilyang naapektuhan ng Bagyong “Enteng.” Kabilang sa mga barangay na napaabutan ng tulong ay ang Brgy. Bulao, Quezon at San Jorge habang patuloy naman ang pagpapadala ng ahensya ng relief augmentation sa mga lokal na pamahalaang lubhang naapektuhan ng nasabing bagyo.
Para sa relief operations sa inyong lugar, patuloy po tayong makipag-ugnayan sa ating lokal na pamahalaan.