Naipamahagi na sa Dolores, Eastern Samar ang kabuuang 1,897 family food packs, bilang tugon sa mga pamilyang apektado ng bagyong “Enteng.” Tuloy-tuloy naman ang koordinasyon ng ahensya sa iba pang lokal na pamahalaang apektado, upang matiyak na sapat ang tulong para sa mga nangangailangan.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD