TINGNAN | Naipamahagi na ng DSWD Field Office VIII ang 1,170 family food packs sa mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong “Enteng” sa bayan ng Lavezares, Northern Samar. Kabilang sa mga barangay na nabigyan ng tulong ay ang Barangay Caragas, Sabang Tabok, Cataogan, at Caburihan. Tumulong sa distribusyon ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), Municipal Action Team (MAT) ng Lavezares, at mga opisyal ng barangay.