Patuloy ang distribusyon ng family food packs (FFPs) sa San Jose, Northern Samar, isa sa mga lugar na naapektuhan ng Bagyong “Enteng.” Humigit-kumulang 1,715 family food packs ang kasalukuyang ipinapamahagi ng mga Angels in Red Vests, katuwang ang Municipal Social Welfare Development Office (MSWDO), at Barangay Local Government Unit (BLGU). Ito ay bilang ugmentasyon ng DSWD sa lokal na pamahalaan ng San Jose.
Antabayanan ang iba pang relief operation updates dito sa DSWD Eastern Visayas Facebook Page.




