Nanatiling aktibo ang mga linya ng Quick Response Team (QRT) at patuloy ang pakikipag-ugnayan sa mga Local Government Units para sa agarang disaster relief augmentation kung kinakailangan.

Sa mga oras na ito, ginaganap ang Disaster Response Operation Briefing sa Regional Operations Center upang malaman ang kasalukuyang sitwasyon sa mga apektadong lugar at matiyak ang kahandaan ng ahensya.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD