Tingnan: Nagpapatuloy ang DSWD Field Office 8 sa pamamahagi ng tulong pinansyal bilang bahagi ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair na kasalukuyang ginaganap sa Calbayog City, Samar.
Sa pinakahuling tala, 10:00PM kagabi, Nobyembre 22, nakapamahagi na ang DSWD ng P52,360,000 sa 10,472 na mga benepisaryo. Inaasahang madadagdagan pa ang bilang na ito habang nagpapatuloy ang simultaneous distribution ngayong araw, Nobyembre 23.