TINGNAN: Nakapamahagi na ang DSWD Field Office 8 ng 10,000 Family Food Packs sa Calbayog City Samar bilang bahagi ng disaster response operations para sa bagyong Kristine. Isinailalim ang siyudad sa State of Calamity matapos magdulot ang bagyo ng matinding pagbaha.

Bawat FFP ay may laman na anim na kilo ng bigas, mga de lata, limang powdered cereal drink, at limang sachet ng kape.

Patuloy na nakikipag-ugnayan ang DSWD sa mga naapektuhan na mga Local Government Units. Para sa disaster relief operations sa inyong lugar, makipag-ugnayan sa inyong lokal na pamahalaan.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD
#KristinePH

📸 DSWD Samar Sub-field Office