TINGNAN: Nakiisa ang Department of Social Welfare and Development Field Office 8 sa isinagawang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) sa Calbayog City, Samar kung saan inilapit ng iba’t-ibang mga ahensya ng gobyerno ang kanilang mga serbisyo sa lahat ng mga dumalo.

Nagsagawa ang DSWD ng simultaneous mass distribution ng tulong pinansyal. Sa pinakahuling tala ngayong 3:00PM, nakapamahagi na ang DSWD ng P26,430,000 sa 5,286 na mga benepisaryo. Inaasahan namang madadagdagan pa ang bilang na ito habang nagpapatuloy ang distribusyon.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD
BagongPilipinasSerbisyoFair

📸 DSWD Samar Sub-field Office