Namahagi ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office VIII ng Enhanced Support Services Intervention (ESSI) grants sa 211 benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Alangalang, Leyte.
Nakatanggap ang bawat benepisyaryo ng P15,000 na maaaring gamitin pantustos sa kanilang kabuhayan batay sa kanilang kasanayan, interes, at pangangailangan.
Magpapatuloy ang pamamahagi ng ESSI grants sa iba pang bayan sa Eastern Visayas sa mga darating na araw.