TINGNAN: Patuloy ang distribusyon ng DSWD Field Office 8 ng Family Food Packs (FFPs) sa Llorente, Eastern Samar para sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Pepito. Sa pinakahuling tala, 188 na mga benepisaryo na ang nakakuha ng FFPs, habang nagpapatuloy naman ang distribusyon para sa iba pang mga naapektuhan.

Bawat FFP ay may laman na anim na kilo ng bigas, mga de lata, limang powdered cereal drink, at limang sachet ng kape.

Patuloy na nakikipag-ugnayan ang DSWD sa mga naapektuhan na mga Local Government Units. Para sa disaster relief operations sa inyong lugar, makipag-ugnayan sa inyong lokal na pamahalaan.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD
#PepitoPH

📸 DSWD Eastern Samar Sub-Field Office