Namahagi kamakailan ang DSWD Field Office 8 ng Family Food Packs (FFPs) para sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Pepito sa Sulat, Eastern Samar.
Katuwang ang mga kawani ng Lokal na Pamahalaan, Municipal Action Team, Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), at ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), nakapamahagi ang DSWD ng 1,025 FFPs (ayon sa pinakahuling tala).
Bawat FFP ay may laman na anim na kilo ng bigas, mga de lata, limang powdered cereal drink, at limang sachet ng kape.
Patuloy na nakikipag-ugnayan ang DSWD sa mga naapektuhan na mga Local Government Units. Para sa disaster relief operations sa inyong lugar, makipag-ugnayan sa inyong lokal na pamahalaan.
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD
#PepitoPH
DSWD Eastern Samar Sub-Field Office