“It’s not how much we give but how much love we put into giving.”
– Mother Teresa
Naging maaga ang Pasko para sa mga residents ng Centers and Residential Care Facilities (CRCFs) ng DSWD Field Office 8, matapos magsagawa ng Outreach/Feeding Program ang Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Coast Guard Auxilliary (PCGA). Nagpakain sila ng hot meals sa mga residents at namahagi ng iba’t-ibang mga gamit sa paaralan, mga sandal, mga hygiene materials, mga vitamins at gamot.
Mayroong apat na CRCFs ang DSWD dito sa Region 8. Kasama dito ang Reception and Study Center for Children (RSCC), para sa mga batang 6 na taong gulang pababa, ang Home for Girls (HFG), para sa mga babae mula 7 hanggang 17 taong gulang, ang Haven for Women, para sa mga babaeng 18-59 years old, at ang Regional Rehabilitation Center for Youth (RRCY).
Layunin ng mga CRCF na protektahan at bigyan ng pansamantalang tahanan ang mga bata at kababaihang naging biktima ng human trafficking, karahasan at iba pang pang-aabuso. Layunin din nitong i-rehabilitate ang mga Children In Conflict with the Law (CICL).