TINGNAN | Nagsagawa ng sabayang orientation ang DSWD Field Office VIII para sa implementasyon ng Project LAWA (Local Adaptation to Water Access) at BINHI (Breaking Insufficiency Through Nutritious Harvest for the Impoverished) para sa taong 2025.
Dumalo sa orientation ang mga kinatawan mula sa mga probinsya ng Eastern Samar, Northern Samar, at Southern Leyte. Sa ilalim ng Risk Resiliency Program for Climate Change Adaptation and Mitigation (RRP-CCAM), layunin ng proyektong ito mabigyan ng pansamantalang trabaho sa mga partner beneficiaries sa pamamagitan ng Cash for Training and Work (CFT/W).
Kasama sa mga maaring gawin ng mga benepisyaryo ang pagtatayo ng maliliit na farm reservoirs at communal vegetable gardens bilang tugon sa mga epekto ng El Niño at La Niña.