Ngayong hating gabi, patuloy na sinusubaybayan ng DSWD Field Office 8- Eastern Visayas- Quick Response Team (QRT) ang takbo at estado ng Super Typhoon #PepitoPH na kasalukuyan pa ring nakaka-apekto sa ilang bahagi ng probinsya ng Eastern Samar at Northern Samar.
Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng ahensya sa mga Local Government Units ng mga nasabing probinsya upang maipaabot ang agarang disaster relief augmentation.
Aktibo at bukas ang aming facebook page para sa mga mensahe at concerns ng ating mga kababayan sa rehiyon.
Manatiling naka-antabay sa iba pang updates tungkol sa disaster response activities ng ahensya para sa gabing ito.