TINGNAN: Asahan na mas dadami pa ang mga kwalipikadong benepisyaryong makatatanggap ng food credit sa patuloy na Verification and Registration Activities na ginagawa sa iba’t ibang bahagi ng Eastern Visayas ngayong araw!

Sa Oras, Eastern Samar, umabot na sa 467 ang mga na-validate na benepisyaryo, habang sa Catarman, Northern Samar, Borongan, Catbalogan City, Samar City Hall, at Palompon, Leyte ay dagsa parin ang tao sa ginagawang registration activity.

Lahat naman ng mga kwalipikadong benepisyaryo sa mga bayang ito ay makakatanggap ng Php 3,000 food credit na pwedeng gamitin sa pagbili ng pagkain sa mga DSWD-accredited retailers sa araw ng redemption.

Ang Walang Gutom Program ay isang pangunahing programa ng gobyerno na naglalayong labanan ang gutom at malnutrisyon dulot ng kahirapan at mababang kita.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD