𝙏𝙄𝙉𝙂𝙉𝘼𝙉: Umabot sa mahigit kumulang 3,600 na mga benepisaryo ang nakatanggap ng food baskets na nagkakahalaga ng P3,000.00 sa ginawang ‘Redemption Day’ sa iba’t ibang parte ng Eastern Visayas.

Ito ang isa sa pangunahing prayoridad ng Walang Gutom Program, isang flagship program ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na layunin ang labanan ang inboluntaryong gutom at malnutrisyon sa bansa.

Ang mga benepisyaryo ay nakatanggap ng P3,000 na food credits na kanila namang gagamitin sa pagbili ng pagkain sa mga DSWD-accredited retailers sa araw ng Redemption, sa kanilang mga munisipalidad.

Kinakailangan na nahahati sa tatlong (3) food groups ang nilalaman ng food baskets, kung saan dapat nagkakahalaga ng P1,500.00 ang go foods, P900.00 ang grow foods, at P600.00 ang mga glow foods.

Lahat ng mga benepisyaryo ay nasuri gamit ang Walang Gutom Indicator Tool at KYC, at ang listahan naman ay galing mismo sa DSWD Central Office. Patuloy naman ang ginagawang verification at validation ng ating mga Angels in Red Vests sa bawat probinsiya ng Rehiyon 8.

Umabot sa P10M ang halaga ng mga nasabing food baskets na ipinamahagi sa 3,658 na mga benepisyaryo.

#WalangGutomProgram
#SaBagongPilipinasWalangGutom
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD