Ginawaran ng parangal ang DSWD Eastern Visayas sa ginanap na Sidlak Awards ng Provincial Government of Northern Samar noong ika-apat ng Disyembre ngayong taon.
Ito ang pinaka-unang edisyon ng Sidlak Awards na inilunsad sa pangunguna ng Food Security and Sustainable Economic Development (FSSED) Cluster.
Layunin ng Sidlak Awards na kilalanin ang kontribusyon ng mga lokal na negosyante, mga partner agencies at stakeholders sa pagpapaunlad ng mga komunidad at ekonomiya ng Northern Samar.
Ginawaran din ng parangal ang Tulay sa Kaunlaran Sustainable Livelihood Program Association ng Pambujan, Northern Samar bilang isa sa Most Outstanding Community-based Enterprise.
Pinangunahan ni Governor Edwin Ongchuan at Bureau of Investment Director Ernesto Delos Reyes, Jr. ang nasabing aktibidad.
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD
#SustainableLivelihoodProgram
#SulongKabuhayanTungoSaPagyabong



