TINGNAN: Kahit ngayong araw ng Pasko ay patuloy ang DSWD Field Office 8 Angels in Red Vests sa pamamahagi ng tulong sa mga pamilyang apektado ng shear line sa Jipapad, Eastern Samar.
Sa pinakahuling tala, aabot sa 2,817 Family Food Packs (FFPs) at 450 boteng distilled water ang naipamahagi sa mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha.
Samantala, tuloy-tuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng ahensya sa iba pang lokal na pamahalaang apektado upang makapaghatid ng agarang augmentation sa mga nangangailangan.




