Nagbigay ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 8 sa 24 na pamilya at isang indibidwal na apektado ng sunog sa Brgy. 80, Marasbaras, Tacloban City noong Nobyembre 26, 2024.
Aabot sa 49 family food packs (FFPs), dalawa para sa bawat pamilya at isa para sa indibidwal na apektado at 147 non-food items na binubuo ng hygiene kits, family kits, sleeping kits, kitchen kits at bottled water ang ibinahagi ng ahensya.
Bukod dito, nagbigay din ng cash assistance, sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) na P10,000 at P5,000 para sa 10 pamilyang may partially damaged houses, batay sa balidasyon.
Para sa relief augmentation sa inyong lugar, makipag-ugnayan po tayo sa ating lokal na pamahalaan.