𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡: Patuloy ang DSWD Field Office-8 sa pamamahagi ng Family Food Packs sa mga pamilyang naapektuhan ng matinding pagbaha dulot ng shear line sa bayan ng Catubig, Northern Samar.

Aabot sa 1,400 family food packs ang naipamahagi bilang augmentation support ng ahensya sa lokal na pamahalaan ng Catubig. Ang hakbang na ito ay tugon sa pangangailangan ng mga pamilyang lubos na naapektuhan ng kalamidad.

Patuloy na antabayanan ang iba pang updates hinggil sa disaster response operations ng ahensya dito sa DSWD Eastern Visayas Facebook page.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD