Sa patuloy na verification at validation activities sa iba’t-ibang parte ng Eastern Visayas, nadagdagan ng humigit kumulang 800 ang bilang ng mga kwalipikadong benepisyaryo ng Walang Gutom Program!

Gumamit ng Walang Gutom Indicator Tool at KYC ang ating mga validators upang masiguro na karapat-dapat silang mapabilang sa programa. Kabilang ang mga activities na ito sa flagship program ng administrasyon laban sa inboluntaryong gutom at malnutrisyon dulot ng mababang kita.

Matapos ang verification activities, inaaasahan na makatatanggap ng P3,000 food credits ang mga benepisyaryo na maaaring gamitin sa pagbili ng pagkain sa DSWD-accredited retailers sa araw ng Redemption. Lahat naman ng mga benepisyaryo ay kailangang dumalo sa mga Nutrition Education Sessions na isa sa mga conditionalities ng programa.

Sa kasalukuyan, umabot na sa 31,774 ang nakarehistro sa Walang Gutom Program sa Eastern Visayas.

#WalangGutomProgram
#SaBagongPilipinasWalangGutom
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD