𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍: Nagsagawa ang Department of Social Welfare and Development Field Office 8 ng cash-for-work payout sa 214 benepisyaryo ng Risk Resiliency Program for Climate Change Adaptation and Mitigation (RRP-CCAM) sa Catbalogan, Samar, kahapon, December 17.

Ang bawat benepisyaryo mula sa barangay Albalate, Cagutian, Lobo, Palanyogon at Totoringon ay nakatanggap ng Php 3,750 katumbas ng sampung araw na pagtatanim ng punong kawayan (bamboo) sa mga watershed areas ng lugar. Layunin ng RRP-CCAM na paigtingin ang kakayahan ng mga pamayanan sa paglaban sa epekto ng Climate Change, kungkaya’t buo ang suporta ng ahensya sa mga inisyatibong tulad nito.

Magpapatuloy ang payout sa iba pang lokal na pamahalaan sa probinsya ng Samar sa susunod na mga araw.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD