Aabot sa 85 kilo ng mani ang matagumpay na naani ng mga benepisyaryo ng Project LAWA at BINHI sa Maslog, Eastern Samar, noong Disyembre 4.

Matatandaang sinimulan ang proyekto noong Mayo, na may layuning bigyan ng kaalaman at malinang ang kakayahan ng mga residente upang masuportahan ang kanilang mga sarili at pamilya. Sa pamamagitan ng pagtatanim at iba pang mga gawaing nakatutok sa mga solusyon sa kakulangan ng pagkain at tubig, naging mahalaga ang proyekto sa pagharap sa hamon ng climate change.

#projectlawaatbinhi
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD