Sa loob lamang ng 77 na araw, matagumpay na naipatayo ang isang Multi-Purpose Building sa Brgy. Amagusan, Anahawan, Southern Leyte bilang KALAHI-CIDSS Subproject at pormal nang naiturn-over sa komunidad noong ika-12 ng Disyembre 2024.

Sa pamamagitan ng Community-Driven Development at katuwang ang Municipal at Barangay Local Government Unit ng nasabing lugar, Municipal at Area Coordinating Teams, naisakatuparan ng mga community volunteers ang kanilang adhikain na magkaroon ng pasilidad sa kanilang barangay na makatutulong upang mas mapadali ang pagbibigay-serbisyo sa mga mamamayan.

Sa ginanap na turn-over ceremony, binigyang-diin ng Operations and Maintenance (O&M) Group ng Brgy. Amagusan na pagtutuunan nila ng pansin ang wastong pagpapanatili at kaayusan ng pasilidad para tiyakin ang pangangalaga nito.

Tinatayang aabot sa Php 4,332,961.53 ang kabuuang halaga ng nasabing subproject kung saan mayroong Php 45,000.00 na Local Counterpart Contribution mula sa BLGU ng Amagusan.

#MagKalahiTayoPilipinas
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD