Sabay-sabay na nagdiwang ng Pasko ang lahat ng mga CRCFs ng DSWD sa buong bansa, kasama ang DSWD FO8 CRCFs, sa isinagawang Balik Sigla, Bigay Saya Gift-giving Activity.
Sa nasabing simultaneous activity, pinangunahan ni DSWD Regional Director Grace Q. Subong ang pamamahagi ng pagkain at regalo sa 99 na mga residents mula sa CRCFs.
Ayon kay President Ferdinand “Bongbong” Romualdez Marcos Jr., “Ang Pasko ay para sa mga bata. Kaya tinitiyak natin na kahit malayo tayo sa ating pamilya at mga mahal sa buhay, kahit mahirap ang ating pinagdaanan ngayong taon, makakapag-celebrate pa rin tayo, magsasaya, at kakain. Yan ang Paskong Pilipino! Kaya ipagpatuloy natin ang tradisyon na ito!”
Ang CRCFs ay nagbibigay ng pansamantalang tahanan at nanagangalaga sa mga naging biktima at survivor ng karahasan, mga batang inabandona o pinabayaan, at mga children in conflict with the law (CICL). Kabilang sa CRCFs ng DSWD FO8 ang Haven For Women, Home For Girls, Reception and Study Center for Children, at ang Regional Rehabilitation Center for Youth.