Sa ginanap na KALAHI-CIDSS Provincial Community-Driven Development (CDD) Congress and Bayani Ka! Awards para sa mga probinsya ng Eastern Samar, Samar, Northern Samar, Leyte, Biliran, at Southern Leyte, binigyang pagkilala ng programa ang mga natatanging kontribusyon ng mga KALAHI-CIDSS community volunteers na ginanap sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon.
Mahigit 200 na mga community volunteers sa rehiyon ang nagtipon-tipon upang maipakita at maibahagi ang kanilang mga karanasan at good practices sa implementasyon ng programa sa kanilang mga komunidad. Nagsilbing tulay rin ito upang mabigyang-diin ang kahalagahan ng kanilang serbisyo para sa komunidad.
Mula sa kanilang mga kwento ng pagbabago, pinatunayan nila na maaaring makibahagi ang mga mamamayan sa mga usaping pangkaunlaran sa kanilang lugar.
Sa loob ng mahigit dalawampung taong implementasyon ng KALAHI-CIDSS sa Rehiyon Otso, patuloy nitong kinikilala ang mga inisyatibo at suporta ng mga community volunteers na sumasalamin sa mga prinsipyong isinusulong nito: Participation, Transparency, at Accountability.