TIGNAN: Sa Eastern Visayas Region, patuloy ang pag-update ng profile o impormasyon ng mga 4Ps household-beneficiaries sa i-Registro web portal kaugnay sa implementasyon ng First 1,000 Days (F1KD) o Expanded Health at Nutrition Grants.

Ang mga active 4Ps households-beneficiaries na buntis at/o may batang 0-2 taong gulang ay kinakailangang mag-update ng kanilang impormasyon sa i-Registro web portal gamit ang mobile devices. Kinakailangan na sila ay makapag-rehistro upang sila ay makasama sa isasagawang balidasyon para makatanggap ng additional cash grants sa ilalaim ng F1KD.

Ang i-Registro ay isang “self-service” at digital platform. Ito ay isa lamang sa alternatibong paraan para mabilis ang pag-update ng impormasyon ng mga benepisyaryo.

Para sa mga hindi makapasok sa i-Registro web portal, maaaring makipag-ugnayan sa City/Municipal Links para makapag-update ng kanilang impormasyon gamit ang Beneficiary Updating System (BUS) Form 5.

Para makapagrehistro, bisitahin lamang ang: iregistro-4ps.dswd.gov.ph.

Maaari ring basahin ang karagdagang impormasyon ukol sa kinakailangang dokumento sa pag-rehistro:

https://www.facebook.com/dswdeasternvisayas/posts/

pfbid02ZuwnEoJw6Pvr76oYi9x8QEB9KCiGGjZQNEYce

5dtamoZb6ok1pcpWdC3fSpeGQkDl.

Ang First 1000 Days (F1KD) o Expanded Health at Nutrition Grants ay karagdagang tulong pinansyal upang suportahan ang mga 4Ps household-beneficiaries na may buntis at/o bata na hindi lalampas sa 2 taong gulang. Layunin nito na tustusan ang mga mahahalagang gastusin sa kalusugan at nutrisyon sa loob ng unang 1,000 araw o First 1,000 Days (F1KD) na itinuturing na pinaka-kritikal na yugto sa buhay ng isang bata.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD

#iRegistroAngF1KDsa4Ps

credits: DSWD 4Ps ML Basey Samar Raissa Basal/ COO Catbalogan