Sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 8, naigawad sa 𝟓𝟑𝟎 𝐜𝐞𝐧𝐭𝐞𝐧𝐚𝐫𝐢𝐚𝐧𝐬 ang mga pribelihiyong kalakip ng Centenarian Program simula nang ipatupad ito noong 𝟐𝟎𝟏𝟔 hanggang ngayong 𝟐𝟎𝟐𝟒 sa buong Eastern Visayas.
Alinsunod sa mandato ng 𝐑𝐞𝐩𝐮𝐛𝐥𝐢𝐜 𝐀𝐜𝐭 𝟏𝟎𝟖𝟔𝟖, o ang 𝐂𝐞𝐧𝐭𝐞𝐧𝐚𝐫𝐢𝐚𝐧𝐬 𝐀𝐜𝐭 𝐨𝐟 𝟐𝟎𝟏𝟔, matagumpay na naigawad ang 𝐏𝐡𝐩𝟏𝟎𝟎,𝟎𝟎𝟎 na 𝐦𝐨𝐧𝐞𝐭𝐚𝐫𝐲 𝐢𝐧𝐜𝐞𝐧𝐭𝐢𝐯𝐞 at 𝐥𝐢𝐡𝐚𝐦 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐛𝐚𝐭𝐢 mula sa mga naging Pangulo ng Pilipinas sa mga centenarian na naging benepisyaryo ng programa.
Ayon sa mga naitalang datos, 𝟑𝟒 𝐧𝐚 𝐜𝐞𝐧𝐭𝐞𝐧𝐚𝐫𝐢𝐚𝐧𝐬 ang nagmula sa 𝐏𝐫𝐨𝐛𝐢𝐧𝐬𝐲𝐚 𝐧𝐠 𝐁𝐢𝐥𝐢𝐫𝐚𝐧, 𝟔𝟑 mula sa mga 𝐩𝐫𝐨𝐛𝐢𝐧𝐬𝐲𝐚 𝐧𝐠 𝐒𝐨𝐮𝐭𝐡𝐞𝐫𝐧 𝐋𝐞𝐲𝐭𝐞 𝐚𝐭 𝐍𝐨𝐫𝐭𝐡𝐞𝐫𝐧 𝐒𝐚𝐦𝐚𝐫, 𝟕𝟗 naman sa Probinsya ng 𝐒𝐚𝐦𝐚𝐫, at 𝟗𝟐 sa 𝐏𝐫𝐨𝐛𝐢𝐧𝐬𝐲𝐚 𝐧𝐠 𝐄𝐚𝐬𝐭𝐞𝐫𝐧 𝐒𝐚𝐦𝐚𝐫. Naitala naman ang pinakamataas na bilang ng centenarians sa 𝐏𝐫𝐨𝐛𝐢𝐧𝐬𝐲𝐚 𝐧𝐠 𝐋𝐞𝐲𝐭𝐞, na may kabuuang 𝟏𝟗𝟗 benepisyaryo.
Sa kabuuang bilang ng mga benepisyaryo, 𝟏𝟐𝟔 ang kalalakihan at 𝟒𝟎𝟒 naman ang kababaihan.
Sa loob ng mga taon ng implementasyon ng programa, matagumpay na naisakatuparan ng ahensya, katuwang ang bawat Local Government Unit (LGU) sa rehiyon, ang pagbibigay-pagkilala at pagpapahalaga sa mga centenarians na nagbigay ng kani-kanilang kontribusyon sa pagpapaunlad ng lipunan.
Nakatakda namang ilipat ang pamamahala ng Centenarian Program sa 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐢𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐨𝐟 𝐒𝐞𝐧𝐢𝐨𝐫 𝐂𝐢𝐭𝐢𝐳𝐞𝐧𝐬 (𝐍𝐂𝐒𝐂) simula ngayong 2025. Kasama ng implementasyon nito ang 𝐑𝐀 𝟏𝟏𝟗𝟖𝟐 o ang 𝐄𝐱𝐩𝐚𝐧𝐝𝐞𝐝 𝐂𝐞𝐧𝐭𝐞𝐧𝐚𝐫𝐢𝐚𝐧𝐬 𝐀𝐜𝐭, na naglalayong magbigay ng cash incentive sa mga 𝐨𝐜𝐭𝐨𝐠𝐞𝐧𝐚𝐫𝐢𝐚𝐧 (𝟖𝟎 𝐚𝐭 𝟖𝟓 𝐧𝐚 𝐭𝐚𝐨𝐧𝐠 𝐠𝐮𝐥𝐚𝐧𝐠) at 𝐧𝐨𝐧𝐚𝐠𝐞𝐧𝐚𝐫𝐢𝐚𝐧 (𝟗𝟎 𝐚𝐭 𝟗𝟓 𝐭𝐚𝐨𝐧𝐠 𝐠𝐮𝐥𝐚𝐧𝐠) na mga Pilipino.