Matagumpay na nakapagtapos ng Skills Training ang ilang mga residents at staff ng Home For Girls (HFG) ng Department of Social Welfare and Development Eastern Visayas.
Sa tulong ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Regional Office VIII, Leyte Provincial Office, nagsagawa ang TESDA Calubian National Vocational School (TESDA CNVS) ng training para sa Basic Table Skirting, Manicure and Pedicure, at Housekeeping with focus on Cleaning Public Areas, Facilities and Equipment.
Sa mga training na ito, 44 na mga residents at 15 na mga staff ang nakapagtapos ng Housekeeping, 44 na residents ang nakapagtapos ng Basic Table Skirting, at 32 na residents naman ang nakapagtapos ng Manicure and Pedicure.
Kinilala ang mga nagtapos ng training sa isang graduation ceremony na ginanap sa HFG. Dumalo sa nasabing pagdiriwang ang ilang mga kinatawan mula sa TESDA, kasama sina Supervising TESDA Specialist Mark Paul Butad, VIS III TESDA CNVS Gerardo Pag-ong, at ang mga trainer mula sa TESDA CNVS na sina Myrnalyn Montecalbo, Julita Matol, at Florence Noriga.
Bahagi ang mga training na ito sa layunin ng DSWD na magkaroon ng holistic development at mabigyan ng mga praktikal na mga kasanayan ang mga residents ng HFG na maaari nilang magamit sa paghahanap-buhay.
Ang Home For Girls ay isa sa mga Centers and Residential Care Facilities (CRCFs) ng DSWD Eastern Visayas na kumukupkuop sa mga batang babae na nai-rescue mula sa karahasan at pang-aabuso.