TINGNAN: Kasalukuyang nakikipag-ugnayan ang DSWD Field Office 8 Eastern Visayas sa mga munisipyong naapektuhan ng magnitude 5.9 na lindol kaninang umaga.
Inaabot ng Disaster Response Management Division ng DSWD ang mga munisipyo upang makakuha ng kritikal na impormasyon, tulad ng bilang ng mga pamilya na possibleng naapektuhan, at bilang ng mga bahay na nasira.
Samantala, may nakahandang 118,576 na Family Food Packs at 34,502 na Non-Food Relief Items sa iba’t-ibang strategic na lokasyon ang DSWD. Nakahanda itong ipamahagi ayon sa pangangailangan ng mga munisipyo na magrerequest ng augmentation. May standby fund din ang ahensya na P2,014,160.00 na maaaring gamitin para sa disaster response.
Para sa relief operations sa inyong lugar, maaaring makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan.




