Matapos ang halos isang buwang redemption activities sa iba’t-ibang sulok ng Eastern Visayas mula December 23 hanggang January 13, umabot sa 1,183 na sambahayan ang nakatanggap ng mga food packs at P3,000 food credits ng Walang Gutom Program.
Noong nakaraang linggo, naitala ang pinakamalaking bilang ng mga nakatanggap na benepisyaryo sa nasabing redemption period kung saan umabot sa 985 ang nabigyan ng tulong ng Walang Gutom Program sa mga bayan ng Lawaan, Dolores, at Maslog sa Eastern Samar, sa Jiabong at Sta. Margarita sa Samar province, sa Palo, Abuyog, Babatngon sa Leyte, at sa Tacloban City at Catbalogan City.
Ang Walang Gutom Program ang flagship program ng DSWD na naglalayon na pababain ang bilang ng mga Pilipinong nakakaranas ng inboluntaryong gutom at malnutrisyon sa buong bansa.
Paalala naman ng DSWD – Eastern Visayas, huwag basta-basta magpapaniwala sa mga maling impormasyon. Maaari kayong makipag-ugnayan sa Walang Gutom Program Regional Complaint Resolution Section sa 0960-327-9433 o mag-message dito sa aming Facebook page.
#WalangGutomProgram
#SaBagongPilipinasWalangGutom
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD