BASAHIN: “Pagpapaunlad ng komunidad, ito ang pangunahing layunin ng KALAHI, hindi lang ang (physical) project kaya sayang kung hindi ma-sustain. By February, magkakaroon tayo ng CSA Assembly o Forum. Lahat ng mga O&M (members) sa KALAHI-CIDSS ay aming iimbitahan para sa activity na ito. This is how we would like to sustain. Our office is now drafting the CDD Ordinance. It is not a resolution kasi ang resolution ay may maaaring hindi ipatupad sa susunod na taon kaya Local Ordinance sa CDD approach ang gusto nating suportahan para sa sustainability nito. May KALAHI fund man tayo o wala, ang konsepto ng CDD o ang tinatawag nating nagkaka-isang paniniwala para sa pagpapaunlad ng komunidad ang ating ipagpapatuloy.”
Ito ang naging pahayag ni Engr. Leonardo Madeja, Jr., Municipal Planning and Development Officer ng Naval Biliran, sa iginanap na DSWD KALAHI-CIDSS KKB-CDD Turn-over and Acceptance Ceremony for the Newly Constructed Multi-Purpose Building sa Barangay Libertad, Naval, Biliran noong ika-14 ng Enero, 2025.
Ito ay isang testimonya ng pagsuporta sa adhikain ng Community-Driven Development na mabigyang pagkakataon ang bawat miyembro ng komunidad na makiisa sa kanilang pag-unlad.