Isang turn-over at acceptance ceremony ang isinagawa sa pagpapatayo ng multi-purpose building bilang subproject sa ilalim ng Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan – Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services Kapangyarihan at Kaunlaran sa Barangay – Community-Driven Development (KALAHI-CIDSS KKB-CDD) sa Barangay Libertad, Naval, Biliran noong ika-14 ng Enero, 2025.
Presente sa nasabing aktibidad ang Area Coordinating Team ng Naval, pati na rin ang mga community volunteers, Municipal at Barangay Local Government Units.
Itinataya namang aabot sa Php5,469,920.00 ang naging total cost ng nasabing subproject, kung saan Php5,000,000.00 nito ay ang KALAHI-CIDSS grant, Php150,000.00 mula sa MLGU contribution, Php150,000.00 mula sa BLGU contribution (cash), at Php124,920.00 mula sa BLGU in-kind contribution.
Ang subproject turn-over na ito ay isang patunay na nagpapatuloy pa rin ang Community-Driven Development approach (CDD) sa bayan ng Biliran. Sa pamamagitan nito, ito ay magbubunga pa ng mas maraming kaunlaran hindi lamang sa community volunteers, kundi pati na rin sa mga mamamayan ng Naval, Biliran.