Matagumpay na isinagawa ng National Household Targeting Section (NHTS) kasama ang Pantawid Regional Program Monitoring Office (RPMO) ang orientasion tungkol sa 4Ps F1KD (First 1,000 Days) gamit ang i-Registro para sa lahat ng City/Municipal Links sa Rehiyon 8.
Ibinahagi nina Leizel B. Astorga, Project Development Officer-IV (PDO-IV) at Head ng NHTS ang komprehensibong ideya tungkol sa i-Registro at ni Darryl Joseph A. Bagares, Information Technology Officer-II (ITO-II) ng NHTS ang paraan ng paggamit ng i-Registro web portal at ng i-Verification System.
Ang i-Registro ay isang digital at self-service platform na kung saan maaaring makapag-update ng impormasyon ang mga aktibong benepisyaryo ng 4Ps na buntis at/o may anak na 0-2 taong gulang. Ito ay alternatibo at makabagong paraan para mapabilis ang pag-update ng kanilang impormasyon sa Pantawid Pamliya Information System (PPIS) na kailangan ng programang 4Ps para sa maayos na pagpapatupad ng First 1,000 Days conditional cash grants.
Kasalukuyang bini-beripika ng mga NHTS verifiers ang mga naisumiteng impormasyon at dokumento sa i-Registro web portal. Kaya naman hinihikayat ng Kagawaran ang lahat ng aktibong Pantawid benepisyaryo na buntis at/o may anak na 0-2 taong gulang na magparehistro gamit ang i-Registro.
Narito ang link ng i-Registro web portal: iregistro-4ps.dswd.gov.ph
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa i-Registro, maaaring bisitahin ang DSWD i-Registro Facebook page.