Nakaantabay ngayon ang DSWD – Field Office 8 sa posibleng epekto ng Shear Line sa Eastern Visayas. Pinangunahan ni Regional Director Grace Subong ang pagpupulong ng Disaster Response Management Division (DRMD), kasama si Assistant Regional Director for Operations (ARDO) Antonio Dolaota at iba pang mga key personnel, upang tiyakin ang mabilis na pagtugon sa anumang pangangailangan ng tulong sa rehiyon.

Patuloy rin ang koordinasyon ng ahensya sa mga lokal na pamahalaan upang matiyak ang agarang pagbibigay ng relief augmentation sa mga apektado.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD