TINGNAN: Nagpapatuloy ang DSWD Field Office 8 – Eastern Visayas sa pamamahagi ng Family Food Packs (FFPs) sa Jipapad, Eastern Samar. Katuwang ang mga kawani ng lokal na pamahalaan, namahagi ang DSWD nitong mga FFPs bilang pagresponde sa pangangailangan ng mga pamilyang naapektuhan ng baha dulot ng shearline.
Sa pinakahuling tala, nag-release na ang DSWD ng 6,397 na FFPs na nagkakahalaga ng P4,434,534.00 sa mga bayan ng Arteche, Oras, Maslog, at Jipapad sa probinsya ng Eastern Samar.
Samantala, patuloy naman ang DSWD sa pakikipag-ugnayan at pagkuha ng datos mula sa mga munisipyong naapektuhan ng shearline.
DSWD Eastern Samar Subfield Office





