Sinimulan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 8 ang Food-for-Work (FFW) program para sa pagpapanitili ng mga Project LAWA at BINHI sites sa Southern Leyte, kabilang ang mga lokal na pamahalaan ng Libagon, San Ricardo at Silago.

Sa ilalim ng Risk Resiliency Program for Climate Change Adaptation and Mitigation (RRP-CCAM), sasailalim sa 2 araw na pagtatrabaho ang bawat benepisyaryo kung saan sila ay makakatanggap ng 1 family food pack (FFP). Ang FFW ay ipapatupad rin sa iba pang project sites sa rehiyon.

Layunin ng programang ito na suportahan ang pagpapanatili at pagpapatuloy ng mga proyekto sa pamamagitan ng pagbibigay ng assistance kapalit ng serbisyo ng mga benepisyaryo.

Ang inisyatibong ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng ahensya na palakasin ang kahandaan ng mga komunidad laban sa mga epekto ng pagbabago ng klima at tiyakin ang seguridad sa pagkain sa rehiyon.

#projectlawaatbinhi

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD