Nagsagawa ng site validation ang DSWD Eastern Visayas sa mga lokal na pamahalaan ng Catbalogan City, Villareal, Samar, at Limasawa, Southern Leyte upang masuri ang kalagayan ng mga project sites para sa implementasyon ng Project LAWA at BINHI.

Bahagi ito ng patuloy na pagsisikap ng ahensya na matiyak ang maayos na pagpapatupad ng proyekto, kasunod ng mga isinagawang consultation meeting.

Samantala, nagsagawa rin ang ang ahensya ng consultation meeting at orientation sa mga bayan ng Balangiga, Eastern Samar, at Capul, Northern Samar, kasama ang mga Local Chief Executives, Municipal Social Welfare and Development Officers (MSWDO), at Municipal Agricultural Officers (MAO).

Patuloy ang ginagawang paghahanda ng ahensya upang maayos na maipatupad ang programa ngayong taon.

#projectlawaatbinhi

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD