Puspusan ang paghahanda ng Department of Social Welfare and Development – Field Office VIII para sa implementasyon ng Project Local Adaptation to Water Access and Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for the Poor (Projects LAWA and BINHI) ngayong taon.

Ngayong araw, Pebrero 13, ay nakipagpulong ang Risk Resiliency Program for Climate Change Adaptation and Mitigation (RRP-CCAM) technical staff sa mga kinatawan ng lokal na pamahalaan ng Dolores, Eastern Samar; Matuguinao, Samar; San Juan, Southern Leyte; Pambujan at San Roque, Northern Samar.

Sa pagpupulong, nagbigay ng technical assistance ang ahensya kaugnay ng mga kinakailangang pre-documentary requirements at timeline of activities para sa pagpapatupad ng proyekto. Bukod dito, isinagawa rin ang site validation sa ilang barangay sa lugar.

Layunin ng proyektong ito na mapaigting ang mga hakbang laban sa climate change at ang epekto nito sa seguridad ng pagkain at kakulangan sa tubig.

#projectlawaatbinhi

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD