Bilang tugon sa banta ng lindol, nagpulong ang ahensya sa pangunguna ng Disaster Response Management Division (DRMD) upang paigtingin ang kahandaan at kaalaman ng publiko hinggil sa pagtama ng anumang posibleng lindol.
Binigyang tuon sa pagpupulong ang kahalagahan ng paghahanda upang mailigtas ang mas maraming buhay at mabilis na makapagbigay-tugon sa mga pangangailangan ng mga komunidad.
Kasama sa nasabing pagpupulong ang mga hakbang na dapat isagawa, kung saan hinahasa ang mga empleyado at kliyente sa loob ng mga opisina upang mapabuti ang kanilang mga kasanayan sa pagtugon at matiyak ang mabilis at epektibong reaksyon sa panahon ng lindol.
Ang National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ay isang quarterly exercise na layuning isulong ang kaalaman sa lindol at ang kahandaan ng buong publiko sa pamamagitan ng pagsali sa mga simulated na pagsasanay na ito, upang mabisang tumugon sa mga ganitong uri ng natural na sakuna.
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD
#NationalSimultaneousEarthquakeDrill



