Bahagi ang Angels in Red Vest ng Department of Social Welfare and Development Field Office 8 sa inilulunsad na Trabaho at Serbisyong Pangkalusugan sa Bagong Pilipinas service fair na gaganapin ngayong araw sa Sta. Rita, Samar.

Sa pangunguna ng Office of the President, at kasama ang iba’t-ibang mga ahensya ng gobyerno katulad ng Department of Labor and Employment, Department of Health, Department of Agriculture, at iba pa, inilapit ng DSWD ang mga serbisyo nito sa 1,944 Pantawid beneficiaries mula sa iba’t ibang barangay sa Sta. Rita.

Ang mga benepisaryo ay makakakuha ng Php 3,000 food assistance sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) bilang kanilang safety net.

Maliban dito, mabibigyan din sila ng opportunidad na makapagtrabaho at maaari din silang makakuha ng health services.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD