TINGNAN: Bilang maagap at mapagkalingang ahensya na laging nariyan sa mga nangangailangan, nakapamahagi ngayon ang DSWD Field Office-8 ng 82 family food packs sa pamilyang naapektuhan ng landslide dulot ng shear line sa Pintuyan at San Ricardo Southern Leyte.

Sa pangunguna ng Disaster Response Management Division katuwang ang Municipal Action Team at Crisis Intervention Section, matagumpay na naibahagi sa mga apektado ang agarang tulong na kanilang mapapakinabangan sa ganitong sitwasyon.

Nakapagbigay din ang ahensya ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) na 5,000 bilang tulong sa mga pamilya upang makaahon at makabawi sa pinsalang dulot ng insidenteng ito.

Hanggang ngayon nagpapatuloy ang pakikipag-ugnayan sa iba pang lokal na pamahalaan upang matiyak ang mabilis at mahusay na paghahatid ng tulong sa mga apektadong komunidad.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD