TINGNAN | Aabot sa 650 partner-beneficiaries mula sa probinsya ng Samar ang matagumpay na sumailalim sa Cash for Training ng Project LAWA at BINHI ng Department of Social Welfare and Development Field Office-8.
Nauna nang naisagawa sa Sta. Rita, Catbalogan, Villareal, at San Jose De Buan, Samar ang nasabing training, na isasagawa rin sa Almagro, Matuguinao, at Sta. Margarita. Sa kabuuan, 1,250 na benepisyaryo ang sasailalim sa 20-araw na Cash for Training and Work, na naglalayong paigtingin ang kasanayan at kaalaman ng bawat isa sa climate change adaptation at makagawa ng mga hakbang upang makamtan ang seguridad sa pagkain at tubig.
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD
#projectlawaatbinhi






