TINGNAN: Patuloy ang isinasagawang loading ng family food packs ng DSWD Field Office 8 sa ibat-ibang strategic areas sa rehiyon.

Sa ngayon may 1,000 FFPs ang nadiskarga ng ahensya bilang prepositioning sa LGU Villaba, Leyte.

Ang prepositioning of goods ay isa sa mga pamamaraan ng ahensya upang paigtingin ang disaster preparedness measures at mabigyan ng agarang responde and bawat LGU sa anumang uri ng kalamidad na maaaring tumama sa atin.

Patuloy din ang paalala ng ahensya na bawal ang pagbebenta, pagbili at sapilitang pagkuha ng mga relief goods ayon sa Section 19 ng RA 10121.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD