Ganap nang sinimulan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 8 ang Stage 3 implementation ng Project LAWA (Local Adaptation to Water Access) at Project BINHI (Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for the Impoverished) sa probinsya ng Samar.
Sa ilalim ng stage 3 implementation, dumaan sa dalawang araw na Sustainability Training ang 650 benepisyaryo mula sa mga bayan ng Sta. Rita, San Jose De Buan, Villareal, at Catbalogan City.
Sama-samang pinagplanuhan ng mga benepisyaryo ang mga konkretong hakbang upang mapanatili at mapalago ang kanilang mga proyekto, kabilang ang mga naisagawang balon, small farm reservoir (SFR) o patubigan at communal garden. Layon nitong palakasin ang kakayahan ng mga komunidad na maging matatag sa harap ng mga hamon dulot ng pagbabago ng klima, dulot ng El Niño at La Niña.









