Nagsagawa kamakailan ang DSWD Field Office 8 ng information drive sa ginanap na Laboratoryo, Konsulta, at Gamot Para sa Lahat (LAB4All) sa Basey, Samar. Layunin ng information drive na ito na labanan ang pagkalat ng fake news at scam sites na ginagamit ang pangalan ng DSWD.
Sa ginawang information drive, patuloy na pinaalalahanan ng mga kawani ng DSWD ang publiko na maging mapagmatiyag laban sa fake news at siguraduhin na kumuha lamang ng tamang impormasyon ukol sa DSWD mula lamang sa mga opisyal na Facebook page.
Para sa updates at sa tamang impormasyon, maaaring i-follow ang DSWD main page ditoDepartment of Social Welfare and Development – DSWD
at ang DSWD Eastern Visayas Facebook page dito DSWD Eastern Visayas


