TINGNAN | Tulong-tulong na binuo ng 50 benepisyaryo ng Project LAWA at BINHI sa Sta. Rita, Samar ang isang communal garden at small farm reservoir, bilang bahagi ng 20-araw na cash-for-work program ng DSWD Field Office VIII.

Sa ilalim ng Risk Resiliency Program for Climate Change Adaptation and Mitigation (RRP-CCAM), nagtanim ang mga benepisyaryo ng ampalaya, pechay, okra, at iba pang gulay na makatutulong sa seguridad sa pagkain ng komunidad.

Kasabay nito, pinagtulungan din nilang buuin ang isang patubigan para sa kanilang binuong sakahan. Layunin ng programa na hindi lamang magbigay ng pansamantalang hanapbuhay kundi labanan din ang kakulangan sa tubig at pagkain na dulot ng climate change.

#projectlawaatbinhi

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD