Sinimulan na ng 40 benepisyaryo mula sa Capul, Northern Samar ang 15 na pagtatrabaho sa ilalim ng Stage 2 implementation ng Project LAWA (Local Adaptation to Water Access) at BINHI (Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for the Impoverished). Napili ng lokal na pamahalaan ang vermicomposting para sa phase 2 ng implementasyon, na naglalayong mabigyang tuon ang seguridad sa pagkain.

Ano nga ba ang vermicomposting at paano ito nakakatulong maibsan ang epekto ng climate change?

Ang vermicomposting ay isang eco-friendly na paraan ng composting kung saan ginagamit ang mga bulate, tulad ng red wigglers, upang gawing mayamang pataba ang basurang organiko.

1. Binabawasan ang basurang napupunta sa landfill

2. Nakakatulong sa pagpapababa ng methane emissions, o hangin mula sa nabubulok na basura at nakakadagdag sa global warming

3. Madaling gawin sa bahay gamit ang lalagyan, bulate, at kitchen scraps tulad ng gulay at prutas

4. Nakakapagbigay ng sustansyang pataba para sa mga halaman

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD

#projectlawaatbinhi