𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍 | Hindi lamang pagtatanim, kundi isa pang inobatibong hakbang para matugunan ang hamon ng climate change ang isinagawa ng mga benepisyaryo ng Project LAWA at BINHI sa San Juan, Southern Leyte.
Sa pamamagitan ng pagre-resiklo ng mga plastik na bote upang magsilbing panangga sa mga hayop at insektong maaaring makapinsala sa mga pananim, sama-samang binuo ng mga benepisyaryo ang isang organisadong communal garden na maaaring mapagkunan ng pagkain sa araw-araw.
Sa ganitong paraan, natutulungan ng proyekto ang komunidad hindi lamang sa aspeto ng kabuhayan kundi pati na rin sa pagharap sa epekto ng climate change.
𝐃𝐀𝐆𝐃𝐀𝐆 𝐊𝐀𝐀𝐋𝐀𝐌𝐀𝐍
Ayon sa pag-aaral, sa bawat plastic bottle na ating nire-resiklo ay nakakabawas tayo ng halos 100 grams ng carbon emission o gas na nagdudulot ng init sa mundo (greenhouse gases). Sa madaling salita, sa simpleng pag-resiklo ng plastic bottle, nakakatulong tayong mabawasan ang epekto ng climate change.





