Bilang panimula ng pagdiriwang ng Solo Parents Week, pinangunahan ng Department of Social Welfare and Development Field Office VIII at ng Tacloban City Social Welfare and Development Office ang Information & Serbisyo Caravan for Solo Parents noong Abril 21, 2025, sa Robinsons North, Abucay, Tacloban City.
Sa temang “Solo Parent na Rehistrado sa Gobyerno, Tiyak na Suportado,” layunin ng nasabing caravan na palawakin ang kaalaman ng mga solo parent at hikayatin silang magparehistro sa kanilang lungsod upang lubos nilang matamasa ang mga benepisyo at pribilehiyong inilaan para sa kanila sa ilalim ng batas.
Nakiisa rin at nagbigay ng kani-kanilang serbisyo ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan gaya ng Public Employment Service Office–Tacloban City, Public Attorney’s Office–Regional Office VIII, PhilHealth–Regional Office VIII, TESDA–Regional Office VIII, at National Housing Authority–Regional Office VIII.
Ang selebrasyong ito ay pagkilala sa katatagan, dedikasyon, at walang kapantay na pagmamahal ng mga solo parent na patuloy na nagsusumikap para sa magandang kinabukasan ng kanilang mga anak.
Maligayang linggo sa lahat ng magigiting na solo parent sa rehiyon!












